video karera machines
Metro

Nakumpiskang video karera machines sa Kamaynilaan, winasak

NASA 65 video karera machines na nakumpiska sa dalawang operasyon sa Tondo, Maynila ang winasak ngayong araw sa Manila City Hall.

Pinangunahan mismo ang pagsira sa mga nakumpiska nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Manila Police District Chief Brigadier General Vicente Danao Jr.

Ayon kay Mayor Isko, bahagi ito ng programa ng lokal na pamahalaan na linisin ang Maynila mula sa anumang iligal na aktibidad tulad ng illegal gambling gamit ang video machines.

Pagbubunyag ng alkalde, nagiging kasangkapan ang video karera machines para sa abutan at bentahan ng mga iligal na droga sa lungsod.

Sinabi ng alkalde na unang seremonya pa lamang ito ng kanilang babasagin.

Pagtitiyak nito na tuloy-tuloy ang kanilang operasyon para dito hanggang sa tuluyan ng masimot o makumpiska ang lahat ng iligal na karera machines sa buong Kamaynilaan.

MARGOT GONZALES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *