Naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, bumaba— DOH

Naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, bumaba— DOH

BUMABA sa higit 3,083 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH) noong Mayo 23.

Nadagdagan naman ng mahigit 6,750 ang bagong gumaling habang 38 ang pumanaw.

Ayon sa DOH, ang aktibong kaso ay nasa 4.3% (50, 635) ng kabuuang naitalang kaso sa bansa na mahigit sa isang milyon.

Mula sa aktibong kaso, 95.1% ang mild at asymptomatic habang nasa mahigit 1.69% (19, 951) ang namatay.

Ang mababang kaso nitong Mayo 23 ay dulot ng isinasagawang updates sa COVID-19 kaya may ilang datos na hindi naisama sa kasalukuyang case bulletin. Ito ay kasalukuyang inaayos ng COVID-19 technical team.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga ay operational noong May 21 ay mayroong 3 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 4.1% sa lahat ng samples na naitest at 2.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Kung ikukumpara naman sa datos simula noong May 13 hanggang May 19 ay mayroong 32, 714 na kaso ang naitala.

Samantala, aabot naman sa 1, 109,226 ang gumaling na sa naturang sakit mula sa kabuuang kaso na 1, 179, 812 sa buong bansa.

 

SMNI NEWS