NAIA Terminal 4, isa sa gagawing vaccination site para sa National Vaccination Day

NAIA Terminal 4, isa sa gagawing vaccination site para sa National Vaccination Day

ISA sa gagawing vaccination site para sa pagsisimula ng National Vaccination Day ngayong araw ay ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Tinatayang nasa isang libo bawat araw ang target na mabakunahan sa Terminal 4 ng NAIA para sa gagawing National Vaccination Day.

Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, buo ang kanilang suporta para sa inisyatibo ng pamahalaan para sa 3-day National COVID-19 Vaccination Drive mula ngayong araw, Nobyembre 29 hanggang sa Disyembre 1, 2021.

Ang DOH-Bureau of Quarantine (BOQ) ang mangunguna sa 3-araw na kaganapan sa pakikipagtulungan ng One Stop Shop (OSS).

Ang mga medikal na practitioner mula sa mga ahensya ng OSS na pinamumunuan ng Bureau of Quarantine, ang uupo sa pre-screening, screening, vaccination at post-vaccination stations.

Ayon kay MIAA Spokesperson Connie Bungag ang kaganapan ay bukas para sa iba’t ibang ahensya ng paliparan ganun din sa OSS member agencies pati na rin sa kani kanilang pamilya na unvaccinated adults at mga menor de edad na 12-17.

Ang 3rd vaccine doses sa A1 to A3 group ay isasagawa din sa NAIA Terminal -4.

Matatandaan mula nung ECQ noong Marso 2020, ay isinara muna ang NAIA Terminal 4 matapos ipagbawal ang domestic travel dahil na rin sa  banta ng COVID.

Sa kasalukuyan, ang mga domestic flights na dating nag-ooperate sa nasabing terminal ay nasa Terminal 3.

Ngayong nagsisimula ng manumbalik ang sigla ng local tourism ay pinag-aaralan na ng MIAA kung napapanahon na bang buksan muli ang Terminal 4.

Pinapayuhan ang mga vacinee na sundin ang health and safety protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *