short range missile
International

North Korea, nagpakawala ng dalawang short range missile sa Sea of Japan

DALAWANG short range missile ang pinakawalan ng North Korea, sa karagatan ng East Sea o Sea of Japan, senyales na tutol umano ang bansa sa gaganaping military exercises sa pagitan ng Washington at Seoul sa susunod na buwan.

Ito ang naging pahayag ng Joint Chief Staff ng South Korea sa pangamba ng North Korea na maaaring maka-apekto ang annual military exercise sa denuclearization talks sa pagitan ng Washington at Pyongyang.

Samantala, patuloy na nakabantay ang sandatahang lakas ng South Korea sakaling magkaroon ng panibagong missile launch ang North Korea.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *