Nagkaaberyang online registration ng national ID system, inaayos na

Nagkaaberyang online registration ng national ID system, inaayos na

HUMINGI ng paumanhin si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua sa nangyaring aberya sa unang araw ng online registration para sa national ID system noong Abril 30.

Ayon kay Chua, nakaranas ng technical issues ang online system dahil sa dami ng bilang ng mga aplikante ng national ID.

Ani Chua, inaasahan ng system na makapagsusuri lamang ng 16,000 simultaneous user kada minuto na may kakayahan na mapataas hanggang 35,000 users per minute.

Pero sa unang minuto aniya ng pagbubukas ng online registration ay nakakita sila ng 46,000 users.

Dahil dito, sinabi ni Chua na nire-review na ang system para mapataas ang load of users na maaring ma-accommodate ng online portal.

Sinabi rin ng NEDA chief na maaari pa ring ma-access ang online portal sa register.philsys.gov.ph pero iilan lamang aniya ang nakakapasok sa website at makumpleto ang kanilang registration.

Nagpasalamat din si Chua sa publiko sa pagtangkilik sa online registration na unang step sa pagkuha ng national ID.

(BASAHIN: 70-M indibidwal, target na mairehistro para sa national ID ngayong taon)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *