sa isang proyekto
Showbiz

Nadine Lustre at Aga Mulach, sanib-pwersa sa isang proyekto

ISANG kakaibang tandem ng Pinoy superstars mula sa magka-ibang henerasyon ang naka-amba ngayon para sa isang proyekto.

Ito ay ang pagsasanib pwersa ang millenial star na si Nadine Lustre at 90s hearthrob Aga Mulach.

Sa Instagram post ng Viva Entertainment, ipinasilip nito ang naganap na meeting sa pagitan nina Aga at Nadine.

Hindi naman tiniyak ng artist agency ang kung para sa isang film project o TV series ang kanilang tandem.

Sakaling panibagong pelikula ang nag-aabang ay hindi ito ang unang beses na magkakaroon ang 49-year-old aktor ng may mas batang loveteam.

Kabilang sa younger stars na naging leading lady ni Aga ay sina Kristine Hermosa, Angel Locsin at Anne Curtis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *