Naarestong tatlong suspek sa pagkamatay ng flight attendant, pinakawalan na

Naarestong tatlong suspek sa pagkamatay ng flight attendant, pinakawalan na

PINAKAWALAN na ang naarestong tatlong suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera ngayong gabi.

Ito’y matapos ipag-utos ng Makati City Prosecutor’s Office ang malalimang imbestigasyon sa kaso at pagpapalaya sa tatlong suspek.

Batay sa resolusyon sa sala ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, agad na ikakasa ang preliminary imbestigasyon upang matukoy kung ginahasa ba at/o pinatay si Dacera.

Kinilala naman ang tatlong pinalayang detainees na sina John Pascual dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili na nahaharap sa kasong rape with homicide.

Maaalalang natagpuan si Dacera noong Enero 1 na wala nang malay sa isang bathtub sa hotel sa Makati at idineklarang dead on arrival nang itakbo sa ospital.

Walong katao pa ang pinaghahanap ng pulisya na may kaugnayan sa insidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *