MWSS
National

Tanggapan ng MWSS, sinalubong ng kilos-protesta ng mga katutubo

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Water Day, sinalubong ng isang kilos protesta ang tanggapan ng Metropolitan Water Sewerage System o MWSS kaninang umaga.

Iba’t-ibang grupo ang nagsama-sama sa naturang kilos-protesta para ipanawagan ang pagkadismaya ng mga ito sa kasalukuyang lagay ng suplay ng tubig sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan.

Bagay na inaalmahan ng marami sa mga katutubo na ngayo’y apektado sa plano ng gobyerno na alisan sila ng karapatan sa mga lugar na kanilang tinitirhan sa Nakar, Infanta, Real sa Quezon at Tanay sa probinsiya ng Rizal.

Marami sa mga katutubo ang nagrereklamo dahil sa nakaambang pagpapaalis sa kanila dahil sa itatayong Kaliwa Dam.

Ayon sa indigent people, hindi nila papayagan ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam sa kabila ng alok ng gobyerno na relokasyon sakaling matuloy na ang pagpapaalis sa kanila.

Sinasabing done-deal ang proyekto ng Kaliwa Dam na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala ang grupo na sakaling matuloy man ang Kaliwa Dam, hindi anila ito matutugunan ang pangangailangan ng tubig sa Metro Manila kundi sa iilan lang na mga indibidwal.

Kasama namang nagsagawa ng kilos-protesta ng grupo ang Pambansang Kilusan ng mga Samahan ng Magsasaka o PAKISAMA at Philippine Movement for Climate Justice.

Ulat Ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *