Mungkahing vaccine bubble, ‘premature’ pa para ipatupad – WHO

Mungkahing vaccine bubble, ‘premature’ pa para ipatupad – WHO

IGINIIT ng World Health Organization (WHO) na masyado pang maaga para ikonsidera ang pag-implementa ng vaccine bubble dahil nananatili pang mababa ang vaccination coverage ng Pilipinas.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabrindra Abeyasinghe na hindi pa sapat ang vaccine coverage ng bansa para magsagawa ng vaccine bubble.

As of October 13, 30.81% o mahigit 23.77 milyong katao sa bansa ang fully vaccinated.

“The understanding is that we don’t have enough vaccine coverage in the country to create bubbles. The discrepancy in coverage is very significant and there is no way that we can maintain the intactness of a bubble,” ani Abeyasinghe.

“So, between those circumstances, I think it’s premature to talk about bubbles because vaccine coverage in the country is only 30% at this point in time,” dagdag nito.

Saad din ng WHO official, hindi rin maaaring ipatupad ang vaccine bubble sa National Capital Region (NCR) kahit pa 80% na ang vaccine coverage ng rehiyon.

Aniya ito’y dahil hindi pa naaabot ng mga karatig rehiyon nito tulad ng Central Luzon at CALABARZON
ang kanilang target na vaccination rate at ang galaw ng tao ay hindi mapipigilan.

“If we can also reach similar levels of coverage in the adjoining NCR plus areas because we know that there is a very high movement of people between III and IV-A, particularly coming to both and for trade activities into NCR,” giit ni Abeyasinghe.

“So, in those circumstances, it may be premature to create bubbles in NCR because undoubtedly there will be people with low coverage coming to those bubbles,” dagdag nito.

Iginiit naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat bilisan na ang pagbabakuna sa NCR Plus areas para maipatupad na ang vaccine bubble.

Kabilang sa NCR Plus ang Metro Manila, Bulacan,Cavite, Laguna at Rizal.

Matatandaang laging ipinapanawagan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepion na mag-implementa ng vaccine bubble sa NCR para sumigla na muli ang mga economic activity habang nasisiguro ang kaligtasan ng bawat indibidwal.

Sa ilalim ng naturang mungkahi, bibigyan ang mga fully vaccinated ng higit na kalayaan na makagalaw, makapag-report sa trabaho, at dumalo sa mga aktibidad na maaaring makapagbigay kontribusyon sa muling pagsigla ng ekonomiya.

Ang mga indoor establishment sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 4 ay pinapahintulutang makapag-operate at makapag-accommodate ng fully vaccinated individuals sa limitadong kapasidad.

Sa October 16, ilalagay na sa Alert Level 3 ang NCR at mas maraming public establishments na ang bubuksan sa limitadong kapasidad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *