foreign workers sa bansa
National

Mungkahing buwisan ang mga foreign workers sa bansa, suportado ng isang mambabatas

SINUPORTAHAN mismo ng baguhang mambabatas ang mungkahi ng Finance Secretary Carlos Dominguez na buwisan ang mga foreign workers sa bansa.

Ayon sa datos ng kalihim, makakakolekta ang bansa na P2.5 bilyong buwis mula sa 138 libong dayuhan na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon kay administration Senator Christopher “Bong” Go, pabor siya sa nasabing hakbang ng Finance Department ng bansa.

Ito’y sa ilalim ng nilagdaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang government agencies ang isang joint memorandum circular na layong higpitan ang employment process ng mga dayuhan sa bansa.

“Ako sang-ayon ako diyan dahil marami pong mga illegal foreign workers. Eh magagamit natin yun, yung buwis para po sa karagdagang tulong, sa basic services ng gobyerno,” pahayag ni Go.

Hindi lang aniya ito, sinabayan din ng mungkahi ng senador na silipin ang background ng lahat ng mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa para na rin sa usapin ng seguridad sa bansa.

“Not only that, tingnan po natin itong mga…silipin po natin itong mga foreign nationals ay may mga background nila for security reasons also,” giit pa ng senador.

Nauna nang ikinonsidera ni Secretary Dominguez na kailangan din kumuha ng foreign Workers ng Certificate of No Derogatory Information mula sa National Intelligence Coordinating Agency sa paniniwalang posibleng maging banta sa bansa ang mga pumapasok na dayuhan.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *