Multi-billion project sa Ilocos Norte, nangangailangan pa ng skilled workers

Multi-billion project sa Ilocos Norte, nangangailangan pa ng skilled workers

INANUNSYO ng pamahalaang lalawigan ng Ilocos Norte ang pangangailangan nito ng mas marami pang mga manggagawa para mas mapabilis pa ang konstruksyon ng multi-billion infrastructure project ng probinsya.

 

Upang mapabilis ang nagpapatuloy na konstruksyon ng 3 pangunahing proyekto o tinaguriang “the big 3 projects”ng Ilocos Norte ay naghahanap ang pamahalaang panlalawigan ng mas marami pang mga skilled workers para dito.

Para agad na matapos ang konstruksyon ay nangangailangan pa ng mga platerers, tile setters, wheelman, carpenters, painters, scaffolders, heavy equipment spotters at helpers o laborers.

Target ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte na matapos ang 3 major project o multi-billion project na ito bago matapos ang termino ni Gov. Matthew Joseph Manotoc.

Ang 2 billion project ay ang rehabilitasyon ng Marcos Sports Stadium, konstruksyon ng provincial capitol expansion building at reconstruction ng Dap-ayan Food Park na bahagi ng Metro Ilocos Norte master plan ni Sen. Imee Marcos sa ilalim ng Administrasyon ni Gov. Manotoc.

Siniguro naman ng provincial engineering na ginagawa ng mga contractors ang lahat ng kanilang makakaya para matapos ang proyekto sa itinakdang panahon.

Ang una at ikalawang proyekto ay inaasahang matapos sa loob ng 425 na araw habang ang Dap-ayan Center naman ay inaasahang matapos sa loob ng 730 na araw.

Samantala, ang Dap-ayan Center ang inaasahan na magiging pinakamataas na government building sa lalawigan na may eight-story high, basements para sa parking at major rooms para sa mga opisina at iba pa.

(BASAHIN: Industriya ng asin sa Ilocos Region, nabigyan ng P100-M alokasyon ng pamahalaan)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *