Muling paghaharap nina Mike Tyson at Lennox Lewis, kumpirmado na

 Muling paghaharap nina Mike Tyson at Lennox Lewis, kumpirmado na

KUMPIRMADO na ang paghaharap sa ring ng mga dating heavyweight boxing champions na sina Mike Tyson at Lennox Lewis.

Ito ang kinumpirma ni Tyson kasunod ng hindi pagkakatuloy sa rematch nito laban kay Evander Holyfield na itinakda sana ngayong Mayo a-bente nuebe dahil sa hindi pagkakasundo sa usapang pera.

Sa darating na Setyembre naman itinakda ang muling paghaharap ng 54-year old American professional boxer na si Tyson at ang 55-year old former heavyweight champion na si Lewis na gaganapin sa Los Angeles, California.

Matatandaan na unang nagkaharap ang dalawa noong June 2002 kung saan tinalo ni Lewis si Tyson via knockout sa ikawalong round.

Heavyweight Champion Lennox Lewis of England (L) swings as challenger Mike Tyson (R) of the US covers up during the 1st round of their World Heavyweight Championship on 08 June 2002.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *