Muling binuksan ang cross-border train sa pagitan ng Finland at Sweden

Muling binuksan ang cross-border train sa pagitan ng Finland at Sweden

PINONDOHAN ng mga awtoridad ang proyektong ito matapos nitong makatanggap ng 1.6 million euros mula sa European Union upang muling buksan ang 20 kilometrong riles ng tren malapit sa Laurila na isang nayon sa munisipalidad ng Keminmaa sa Lapland sa hilagang-kanlurang Finland.

Sa kabila naman ng pagbabahagi ng 545 km border, kulang pa rin ang koneksyon ng dalawang Scandinavian sa National Rail Services.

Inaasahan naman na mapalalakas ng cross-border passenger train sa pagitan ng dalawang bansa ang long-distance travel mula sa timog na bahagi.

Bukod dito ay umaasa ang Lapland na balang araw ay posibleng may mga turista na dadating mula sa Central Europe sa pamamagitan ng tren.

Ayon sa executive manager ng  Finnish Lapland Tourist Board, lilikha ang proyektong ito ng malaking oportunidad para sa Sweden at Finland.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *