Nasawi dahil sa Mucormycosis sa India, umakyat na sa 4,300

Nasawi dahil sa Mucormycosis sa India, umakyat na sa 4,300

NAKAPAGTALA ng kabuuang 45,374 kaso ng Mucormycosis ang bansang India kung saan mahigit 4,300 ang nasawi ayon kay Health minister Mansukh Mandaviya.

Kaugnay nito, ang pinakaapektadong estado ay ang Maharashtra at Gujarat na kung saan nasa 1,785 na ang bilang.

Naaapektuhan ang ilong, mata, at utak ng tao ang sakit na ito ng Mucormycosis sa India.

Madalas nagkakaroon nito ang mga tinamaan ng COVID-19, 12-18 na araw mula itong makarekober.

Ayon naman kay Dr. Raghuraj Hegde, isang eye surgeon na nakabase sa Bangalore, nagkaroon ng undercounting ng kaso mula sa Mucormycosis ang namatay.

“Typically, deaths in Mucormycosis occur weeks to months after getting the disease. Our present systems are not good to capture that data,”  pahayag ni Hegde.

‘’Cases were being also undercounted because diagnosis was difficult in smaller hospitals and in rural areas and only a fraction of the cases reached hospitals in big cities,’’dagdag ng doktor.

Ayon kay Hegde, maraming mga pasyente ang namatay mula sa sakit bago pa man makarating sa ospital.

“We are seeing patients who were treated aggressively for the disease and discharged from hospitals returning with a recurrent infection which is manifesting in wider spread of the disease in the eye or brain,”ayon kay Dr. Akshay Nair eye surgeon na nakabase sa Mumbai.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *