International

Mt. Agung sa Indonesia, patuloy na nag-aalboroto; mahigit 100,000 katao inilikas

PATULOY na nag-aalboroto ang Mount Agung sa Bali, Indonesia.
Hanggang 3 kilometro ang ibinubugang makapal na usok at abo ng bulkan at
namataan din ang pagragasa ng lahar mula sa bunganga nito.
Ito na rin ang pangalawang araw ng shutdown operations ng international airport sa Bali dahil sa mga aktibidad ng bulkan.
Nakataas pa rin ang Alert Level 4 dahil sa posibleng pagputok ng bulkan.
Mahigit 100,000 katao na nakatira malapit sa bulkan ang inilikas na.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *