Mozambique
International

Mozambique, nangangailangan ng $3.2-B upang makaahon

TINATAYANG umabot sa $3.2-B ang kailangan ng Mozambique upang maiahon ang bansa mula sa naranasang dalawang cyclone nakaraang buwan ng Marso na puminsala sa Southern African nation at ikinasawi ng daan-daang katao.

Ito ay ayon sa pagtataya ng Mozambique government na suportado ng World Bank, United Nations at European Union para sa global pledging conference na magsisimula ngayong Biyernes.

Kabilang sa malawakang napinsala ang mga pananim at karamihan sa mga tao ay kailangang umasa sa food aid hanggang sa susunod na taon kungsaan mahigit 1.3 milyon sa mga ito ay nangangailangan ng emergency food assistance.

Matatandaang 650 ang nasawi sa Mozambique at mahigit 100 naman sa Zimbabwe at Malawi sa pagtama ng dalawang cyclone sa loob ng isang season lamang na kauna-unahang nangyari sa kasaysayan ng bansa.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *