Most wanted person ng Maramag, Bukidnon, huli sa isang operasyon sa Zamboanga del Sur

Most wanted person ng Maramag, Bukidnon, huli sa isang operasyon sa Zamboanga del Sur

ARESTADO si Rogelio Edoldol Chavez, 53- taong gulang sa Barangay Bogayo, Kumalarang, Zamboanga del Sur dahil sa kasong statutory rape.

Sa report na ipinasa ni Police Superintendent Police Colonel Roel Lami-Ing na provincial director ng Bukidnon Police kay Regional Office Director Police Brigaider General Rolando Anduyan ay naaresto na ang nasabing kriminal bandang 5:40 ng hapon noong Setyembre 14 sa Purok 7, Barangay Bogayo, Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Ito ay matapos magtulungan ang intelligence operative ng Bukidnon Special Tracker Team, Kumalarang Municipal Police at Maramag Municipal Police sa isang operasyon upang mahuli si Rogelio Chavez na residente ng Barangay Dologon, Maramag, Bukidnon.

Si Chavez ay pangwalo sa pinaka-wanted person sa municipal level ng Maramag, Bukidnon.

Sa bisa ng warrant of arrest ay inaresto siya sa siyam na bilang ng kasong statutory rape.

Sa hatol na inilabas ni Assisting Judge Emmanuel Passal ng Regional Trial Court sa Malaybay, Bukidnon ay hindi maaaring magpiyansa ang nasabing kriminal.

Sa ngayon ay idinaan sa kumalarang municipal police si Chavez para sa booking at nakatakda na ring ilipat sa Maramag Municipal Police para sa maayos na disposisyon.

Pinuri naman ni Provincial Director Police Colonel Lami-Ing ang kapulisan na mahusay at walang pagod na ginawa ang kanilang trabaho upang mahuli ang nasabing kriminal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *