nagwalk-out
Showbiz

Morissette Amon, nagwalk-out at hindi nagperform sa isang concert

MAINIT na usapan ngayon sa social media ang pag-walkout at hindi pagperform ng Asia’s Phoenix na si Morissette Amon.

Viral ngayon online ang panggagalaiti ng actress-producers na sina Annabelle Rama at Daisy Romualdez dahil sa umano hindi pag perform ni Morissette sa concert ng isang baguhan na singer kung saan isa siya sa guest star.

Inihayag ni Annabelle ang labis na disappointment sa naging reaksyon ng aktres at pagtanggi nitong umakyat sa entablado.

Paliwanag naman ng producer ng show na si Jobert Sucaldito, na-offend si Morissette sa tanong ng isang reporter kaungnay sa lovelife nito.

Ito ang dahilan kung bakit sumama ang loob ng singer at umatras sa pagperform.

Giit naman ni Annabelle, hindi sapat ang dahil ng Asia’s Phoenix at dapat ay inisip nito ang mga taong nagbayad at pumunta sa naturang show upang siya ay mapanuod.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Morissette kaugnay ng insidente.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *