Modernisasyon sa AFP kailangan nang paigtingin — Senator Bato

Modernisasyon sa AFP kailangan nang paigtingin — Senator Bato

IGINIIT ni Senator Bato dela Rosa na panahon na para paigtingin ang modernisasyon sa mga kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay kasunod ng pagbagsak ng C-130 sa Sulu na ikinasawi ng 52-ng sundalo at sibilyan noong nakaraang Linggo.

“Perhaps, it is about time that we in the legislature take a second hard look at the reality that lives lost from these so called “flying coffins” or “widow makers” are priceless compared to the foreign debt that we may incur as a result of military modernization,” pahayag ni Senator dela Rosa.

Ayon pa kay Bato, ang bagong plane crash incident na ito ay siyang pinakamatindi na nangyari ngayong taon sa hanay ng kasundaluhan.

Matatandaan na ngayong 2021 ay tatlong eroplano o chopper na ng AFP ang bumagsak o naaksidente.

“Mayroong isang chopper na medical mission doon sa Sulu, nasundan ng Black Hawk noong nag-midnight training sila sa Tarlac and right away sumunod ito. Mas mabigat na dagok ito sa atin itong daming namatay,” wika ni Bato.

Ayon sa senador na siyang chairman ng Senate Committee on Public Order hihintayin muna nito ang imbestigasyon ng mga otoridad bago husgahan ang pangyayari.

“Minsan kasi ang accident, cannot always accredited in engine failure minsan attributed din yan sa pilot’s error but then again whatever is kung lalabas sa result ng investigation na pilot error then alam natin na yong pilot training is part of the modernization program. So, kailangan pa rin nating diinan yong modernization program ng AFP,” ayon sa senador.

Panawagan din ngayon ni Senator Imee Marcos na matigil na ang pagbibili ng mga flying coffins sa mga kasundaluhan.

Nakakalungkot aniya na sa panahon na ang mga sundalo naman ang nangangailangan ng tulong ay hindi natin iyon maibigay sa kanila.

“Araw-araw, buwis-buhay ang kanilang pag-rescue sa mga sugatan at tagapagligtas ng buhay, at walang pagod sa pagtulong sa mga komunidad para makapagdala ng food packs at medical supplies,” pahayag ni Senator Marcos.

“Pero hindi sila nailigtas sa nangyaring trahedya, kung kelan sila naman  ang nangangailangan ng tulong at ma-rescue sa nasusunog na eroplano.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *