National

Mocha Uson bagong assistant secretary sa Duterte communications team

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha Uson (Margaux Justiniano Uson) bilang bagong assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Sa ngayon ay may bagong trabaho na ang dancer-turned blogger na si Uson na una nang itinalaga bilang board member ng Movie, Television and Classification Board (MTRCB).
Si Uson ay die-hard supporter ni Pangulong Duterte nang tumakbo itong presidente noong May 2016 elections.
Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, si Uson ay magiging assistant secretary for social media ng PCOO dahil ito naman ang ‘forte’ nito.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *