Mobile services ng Dito Telecommunity, available na sa Metro Manila

Mobile services ng Dito Telecommunity, available na sa Metro Manila

AVAILABLE na ang mobile services ng Dito Telecommunity sa Metro Manila ngayong araw, Mayo 17.

Bagama’t nangangailangan ng compatible devices ang sim cards nito, inisyal namang nag-o-offer ng 4G mobile internet ang kanilang mobile services.

Ang introductory offer naman ng Dito telecom ay 25GB mobile data, unli text sa lahat ng networks, unli Dito-to-Dito calls at 300 minutes calls sa ibang network sa halagang P199 hanggang Hunyo 30, 2021.

Nilinaw naman ng Dito Telecommunity na available sa 100 syudad at bayan sa Luzon at Visayas ang kanilang mobile services simula nang inilunsad ito noong Marso.

Kabilang dito ang Taytay, Cainta, Antipolo, Malolos, Meycauayan, Marilao, San Jose del Monte, Bocaue, Hagonoy, Bulacan, Balanga, Dinalupihan, Subic at Olongapo.

(BASAHIN: Dito Telecommunity, pinalawig pa ang serbisyo sa Luzon)

Kasama rin ang Moncada, Angeles, Mabalacat, Mexico, Guagua, Cabuyao, San Pedro, Sta. Rosa, Biñan, Cuenca, Carmona, Dasmarinas, Lapu-Lapu at Dumanjug.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *