MMDA, may bagong panuntunan para sa planong pagpapatupad muli ng number coding scheme

IBINAHAGI ng Metropolitan Manila Development Authority ang sistema ng planong pagpapatupad muli ng number coding scheme.

Ayon kay MMDA Director Noemi Recio, may tatlo silang pagpipilian para dito.

Aniya, posibleng magpatupad ng number coding scheme tuwing peak hours gaya ng alas 5:00 hanggang alas 8:00 ng gabi.

Maari ring ipatupad ito sa morning peak hours na alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga.

Tinitingnan rin nila na ipatupad ito gaya ng nakasanayan na buong araw.

Sa ngayon, hinihintay nalang ng MMDA ang approval ng Metro Manila Mayors hinggil dito.

Subalit tansya ni Recio, posibleng maipatupad ito sa huling linggo ng November o unang linggo ng December.

Ibinahagi rin ni Recio na nagbukas rin ito ng bagong bus stop sa Edsa- Buendia para makatulong na maibsan ang traffic volume.

SMNI NEWS