Quezon City Circle
Metro

MMDA, inabisuhan ang mga motorista na sumunod sa tamang linya sa Quezon City Circle

Maiiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Quezon City Circle kung susunod lamang ang lahat ng motorista sa tamang lane.

Ito ang binigyang –diin ni MMDA OIC General Manager Jojo Garcia kaugnay sa pagpapatupad ng yellow lane policy sa kahabaan ng Circle.

Mula sa dating siyam na lane ay magiging pitong lane na lamang ang maaring daanan kasunod ng patuloy na constructions ng MRT 7 sa North Avenue.

Inaabisuhan rin ang lahat ng mga motorista na manggagaling sa North Avenue na dumaan sa Agham Road upang makaiwas din sa trapiko.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang road flows and incidents monitoring ng MMDA sa naturang lugar.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *