MMDA hinimok ang mga residente sa NCR na maging responsable sa pagtapon ng basura

MMDA hinimok ang mga residente sa NCR na maging responsable sa pagtapon ng basura

HINIMOK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Ito ang panawagan ng MMDA matapos idineklara ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, dapat maturuan ang mga residente sa NCR na maging responsable at may disiplina sa pagtapon ng basura upang maiwasan ang pagbara sa mga daluyan ng tubig-ulan na sanhi ng pagbaha.

Ani Abalos , makikipag-ugnayan ang kanyang ahensya sa mga Local Government Units (LGUs) para sa istriktong pagpataw ng penalty sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.

Sa kasalukuyan minomonitor ng MMDA ang mga mabababang lugar gaya ng Araneta Avenue sa Quezon City, España sa Manila City, Buendia South Superhighway, Manila City Hall, at Maysilo sa Mandaluyong City.

Bagyong Dante nag-iwan ng 11 patay, 2 nawawala at 2 sugatan

NAG-IWAN ng labing-isang kataong nasawi, dalawang nawawala at tatlong sugatan ang Bagyong Dante sa bansa.

Ito ay ayon sa pinakahuling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, June 6.

Ang naturang mga casualties ay nagmumula sa Mimaropa at sa mga rehiyon ng Soccskargen at Davao.

Nakapagtala rin ang ahensya ng halos tatlumpung libong pamilya o mahigit sa isang daan at dalawampu’t dalawang libong kataong apektado mula sa mga apektadong lugar.

Sa kasalukuyan, nasa 241 pamilya pa rin ang nananatili sa mga evacuation center.

Sa kabuuan, umabot sa mahigit 131 milyong piso ang pinsala ng Bagyong Dante sa imprastraktura habang mahigit sa 91 milyong piso naman ang tinatayang pinsala nito sa agrikultura.

 

SMNI NEWS