CORONAVIRUS

MMDA headquarters, pansamantalang isasara dahil sa banta ng COVID-19

PANSAMANTALANG suspendido ng dalawang araw ang pasok sa trabaho sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Sa abiso ng MMDA, wala muna silang operasyon sa Huwebes at Biyernes, Hulyo 9 at 10 para bigyan daan ang isasagawang sanitation at disinfection sa lahat ng kanilang opisina at adjacent premises.

 

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang apat nilang tauhan sa isinagawang mass rapid testing at confirmatory swab test.

 

Ayon sa MMDA, agad na inilagay sa lockdown ang mga opisina ng mga nagpositibo, nagsagawa ng sanitization at contract tracing.

 

Habang ang iba anilang empleyado na nagpositibo sa rapid test ay sasailalim sa swab test at quarantine.

 

Dagdag pa ng MMDA na may sarili silang isolation facility para ma-accommodate ang mga empleyado na na-exposed sa may COVID-19, mga nag-positive sa rapid test at sa mga naghihintay ng swab test results.

 

Sinabi ng ahensya na ang lahat ng kanilang tauhan ay papayagan ng umuwi ng alas dos ng hapon ng Miyerkules para sa isasagawang disinfection na tatagal hanggang sa Hulyo 12.

 

SMNI NEWS

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close