National

Miyembro ng NPA patay sa engkuwentro sa Pagadian


Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupaan ang tropa ng militar sa Pagadian City.
Kinilala lamang ang nasawing rebelde sa kanyang apelyidong “Becsala.”
Ayon sa militar, naganap ang engkuwentro sa Barangay Lisson Valley.
Narekober sa bangkay ni Becsala ang isang hand grenade, bandila ng NPA at ilang mga dokumento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *