Misteryosong oil spill
International

Misteryosong oil spill, kumalat sa mahigit 130 dalampasigan sa Brazil

TULUYAN nang ng kumalat sa mahigit 130 dalampasigan sa siyam na estado ang misteryosong oil spill sa bansa.

Apektado ng oil spill ang nasa 2,000 kilometro kahabaan ng atlantic coastline na nagsimulang kumalat simula pa noong Setyembre.

Tiniyak ni Brazilian Pres. Jair Bolsonaro na walang nagaganap na constant leak sa Brazil bagkus ay resulta lamang ng isang nasirang oil tanker ang insidente na maaari umanong sinadya at nagmula pa sa labas ng bansa.

Patuloy naman ang mga awtoridad sa pagsugpo sa oil spill at pag-imbestiga sa tunay na dahilan ng insidente.

Nagbabala rin ang ilang environmental groups sa panganib na dala ng oil spill sa coastal ecosystem lalo na sa mga sea turtles at sa epekto nito sa kanilang ekonomiya kung saan pangunahing pinagkakakitaan ng Northeastern Brazil ang turismo dahil sa magagandang tanawin sa rehiyon.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *