Missile na kasing lakas ng nuclear weapon, dinevelop ng South Korea

Missile na kasing lakas ng nuclear weapon, dinevelop ng South Korea

BUMUO ngayon ang South Korea ng kagamitang pandigma na missile na kasing lakas ng nuclear weapon.

Pinalakas pa ng South Korea ang sandatahang dipensa nito sa pamamagitan ng paggawa ng bagong kagamitang pandigma.

Base sa media report, ang nasabing bagong sandatang pandigma na missile na kasing lakas gaya ng nuclear weapon ay depensa kontra North Korea.

Kaya nitong magdala ng tatlong toniladang warhead na may flight range mula 350 hanggang 400 km.

Ang bagong kagamitang pandigma ay kayang gibain ang mga underground missile facilities, mga base nito, maging mga underground tunnels.

“We will develop stronger, longer-range and more precise missiles so as to exercise deterrence and achieve security and peace on the Korean Peninsula,”ayon sa gobyerno ng South Korea.

“Following the termination of the guidelines, we will exercise deterrence against potential threats and improve strike capabilities against main targets,”ayon sa defence ministry.

Ang ilang mga dalubhasa ay nagbabala laban sa hindi maiiwasang lahi ng armas sa South Korea at maaaring magkagulo ang China kung palawakin ng South Korea ang saklaw ng missile strike patungo sa lupain nito.

“China will not like this but China will restrain itself because it still needs to stop South Korea from going all the way with the US and Japan in curbing China. South Korea is still the weakest link,”ayon kay Dr Bong Young-shik of Yonsei University’s Institute.

Samantala, higit 315.2 trillion ang nasabing defence blueprint project ng South Korea bilang tugon sa pagpapalakas ng kagamitang pandigma.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *