Miss Universe Philippines Bea Gomez, patuloy ang pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Cebu

Miss Universe Philippines Bea Gomez, patuloy ang pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Cebu

PATULOY ang pagtulong ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa mga biktima ng bagyong Odette sa kanyang hometown sa Cebu.

Sa isang Instagram post nito, makikitang nagrepack ito ng relief goods na kakasya sa tatlong daang pamilya.

Ibinahagi rin ni Bea sa naturang post na narating na nila ang ilan sa malalayong lugar ng Cebu gaya ng Compostela na lubhang tinamaan ng bagyo.

Ang pamilya Gomez ay hindi rin nakaligtas kay supertyphoon Odette.

Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon lang nang humagupit ang bagyong Odette sa Pilipinas particular na sa mga lugar ng Visayas at Mindanao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *