hindi makakasama
Showbiz

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, hindi makakasama sa hosting stint sa nalalapit na Miss Universe 2019

IKINALULUNGKOT na ibinahagi ni Pia Wurtzbach na hindi siya makakasama hosting stint sa nalalapit na Miss Universe 2019 dahil sa conflict sa kanyang schedule.

Sa kanyang official Instagram account, nanghihinayang na ibinahagi ng Miss Universe 2015 title holder na nakapag-committ na siya sa travel invitation mismo ng gobyerno ng Japan bago pa siya imbitahan ng Miss Universe Organization para maging backstage host nito.

Dagdag pa nito na kung mas maaga lang sanang nalaman ang imistasyon ay baka nagawan niya pa ito ng paraan.

Gaganapin ang Miss Universe competition sa December 9, 2019.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *