Miss Multinational 2020 Pageant, ipinagpaliban muna dahil sa COVID-19

Miss Multinational 2020 Pageant, ipinagpaliban muna dahil sa COVID-19

KINANSELA na ang Miss Multinational Organization ang nakatakda sanang coronation night nito dahil sa patuloy na COVID-19 scare.

Sa Instagram, ibinahagi ng Miss World Philippines Organization ang desisyon ng MMO na ipagpaliban hanggang Mayo ang Miss Multinational 2020 Pageant.

Nakatakda sanang idaos ang pageant sa April 15 hanggang 22 ngunit minabuti ng organizers na iurong ito sa May 20-30 para sa kaligtasan ng lahat.

Gaganapin pa rin ang kompetisyon sa New Delhi, India kung saan magiging pambato ng Pilipinas ang dating child star na si Isabelle de Leon.

Huling nasungkit ng bansa ang Miss Multinational Crown noong 2017 sa pamamagitan ni Sophia Senoron.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *