Miss Grand Myanmar at Miss Universe Myanmar, hindi pa rin makakauwi

Miss Grand Myanmar at Miss Universe Myanmar, hindi pa rin makakauwi

HINDI pa rin makauwi ng bansang Myanmar ang dalawang Beauty Queen na sina Miss Grand Myanmar 2020 Han Lay at Miss Universe Myanmar 2020 Candy Thuzar.

Ito ay dahil sa nakabinbing warrant of arrest ng Military Junta sa dalawang beauty queen dahil sa kanilang paggamit na plataporma sa pageant ay para ipahayag ang karahasan at pang-aabusong ginagawa ng militar sa Myanmar.

Matatandaan na nagtagumpay ang militar sa ginawang kudeta laban sa gobyerno ng Myanmar noong Pebrero.

Sa ngayon nanatili sa Thailand si Miss Grand Myanmar sa pangangalaga ng Miss Grand International Organization habang si Candy naman ay mananatili naman sa Amerika kung saan ginanap ang Miss Universe 2020 pageant kamakailan lang.

Sa kasalukuyan, marami na ring celebrities at social media personalities ang nakulong at maaari pang makulong sa Myanmar dahil sa hayagang pagtutol sa military junta.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *