Mining operation sa Tumbagaan Island sa Languyan, Tawi-Tawi, pinasuspendi ng pangulo

Mining operation sa Tumbagaan Island sa Languyan, Tawi-Tawi, pinasuspendi ng pangulo

IPINAG-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng mining operation sa Tumbagaan Island sa Languyan, Tawi-Tawi.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang suspensyon ay para bigyan-daan ang isasagawang rehabilitasyon sa lugar.

Ayon kay Nograles, inisyu ni Duterte ang kautusan sa 50th cabinet meeting kagabi matapos itong magpahayag ng pagkabahala sa mga ulat na lubos ng nasira ang isla dahil sa pagmimina.

Sinabi ng Palace official na ipinag-utos ng pangulo ang pagtatanim ng maraming puno at pagpapatupad ng iba pang rehabilitation efforts sa isla na isang nickel mining hub.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *