Mindoro Occidental, niyanig ng 5.4 Magnitude na lindol

Mindoro Occidental, niyanig ng 5.4 Magnitude na lindol

NIYANIG ng Magnitude 5.4 na lindol ang Occidental Mindoro 2:16 ng madaling araw kanina ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)

Naitukoy ang epicenter sa 17km hilagang silangan ng Looc na may lalim na 122 kilometro.

Naitala naman ang Intensity 4 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, Intensity 3 sa San Jose, Occidental Mindoro at Roxas Oriental Mindoro.

Nararamdaman ang Intensity 2 sa mga lungsod ng Makati at Quezon.

Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng aftershocks at hindi naman inaasahan na magdudulot ito ng kasiraan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *