livelihood program
Regional

Mindanao Development Authority, may livelihood program para sa mga OFW na uuwi mula Iran at Iraq

NAKAHANDA na ang Mindanao Development Authority sa pagbibigay ng livelihood program sa mga Overseas Filipino Workers na mauuwi sa Pilipinas.

Nitong Lunes nang nagpatawag ng pulong si secretary Emmanuel Piñol sa mga personnel ng minda para sa kanilang paghahanda sakali ngang mapauwi ang kapwa nilang Pinoy dahil sa namumuong tensyon sa Middle East.

Kabilang naman sa mga programang pwedeng i-avail ng mga uuwing Pinoy ay ang pagaalalag ng baka, baboy at manok, sorghum, mango, at organic rice production; at agarwood propagation.

Nakipagpulong na din ang MinDA sa Department of Labor and Employment sa pangunguna ni secretary Silvestre Bello III patungkol naman sa crisis management at bilang ng mga OFW mapapauwi dahil sa repatriation order.

Naniniwala kasi si Sec. Piñol na kung maagang mapaghahandaan ang ganitong sitwasyon ay walang dapat ikabahala ang ating mga kababayan.

Dagdag pa ni Piñol na ang livelihood program na kanilang tinatrabaho ay makakatulong para magbukas ng mga bagong oportunidad sa development ng sektor ng agrikultura sa bansa.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *