Build, Build, Build,
Metro

Milyun-milyong trabaho idudulot ng Clark Inte’l Airport Terminal 2

Jhomel Santos

LILIKHA ng milyung-milyong trabaho para sa mga Pilipino sa oras na matapos at fully operational na ang tinatayong Clark International Airport Terminal 2.

Ito ang magandang balitang hatid ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ito’y sa isinagawang inspeksyon ni Tugade kasama sina Finance Secretary Carlos Domiguez, Senators Joel Villanueva at JV Ejercito.

Si Sen. JV ang siyang nagsulong ng pondo ng nasabing proyekto.

Habang tiniyak naman ni Sen Villanueva na makikinabang ang mga manggagawang Pinoy dito.

Bahagi ng Build Build Build project ng Administrayong Duterte ang Clark International Airport Terminal 2.

Makakapagbigay serbisyo ito ng nasa 80 million passengers sa domestic at international flights.

Ang Clark Terminal 2 ay magiging eco- friendly airport.

Uumpisahan na rin ang konstruksyon ng second run way na magiging daan upang masolusyunan ang air traffic at airport congestion sa NAIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *