Milwaukee Bucks pinataob ang Suns sa Game 4 ng NBA finals

Milwaukee Bucks pinataob ang Suns sa Game 4 ng NBA finals

TABLA na sa 2-2- serye ang Milwaukee Bucks at Phoenix Suns matapos pinataob ng Bucks ang Suns sa Game 4 ng nba finals sa iskor na 109-103.

Naging gitgitan ang laro kung saan sa unang quarter ay abanse ang Suns, nagtabla sa first half ang dalawang koponan at muling umabanse ang Suns sa 3rd quarter at sa ilang segundo ng 4th quarter ay tuluyan ng nakahabol ang Bucks .

Bida sa pagkapanalo ng Bucks si Khris Middleton na gumawa ng big game na mayroong 40 points habang mayroong double double figures si Giannis Antetokounmpo na may 26 points at 14 rebounds.

Samantala, kumolelat naman ang veteran playmaker ng Suns na si Chris Paul na gumawa lamang ng 10 points at 7 assists.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *