nasungkit
Sports

Milwaukee Bucks, nasungkit ang ika-pitong panalo sa nagpapatuloy na NBA Regular Season

Nasungkit ng Milwaukee Bucks ang ika-pitong panalo sa nagpapatuloy na NBA Regular Season.

Nagwagi ang Bucks kontra sa Oklahoma City Thunder sa iskor na 121 to 119.

Sa naging harapan ng dalawang koponan, hawak ng Thunder ang kalamangan sa first half sa iskor na 56 to 50.

Pero nagawang makahabol ng Bucks sa pagtatapos ng 3rd quarter kung saan naitala ng koponan ang pitong puntos na kalamangan kontra Thunders.

Nanguna para sa panalo ng Bucks si Giannis  Antetokounmpo na may 35 points, 16 rebounds at 3 assists.

Habang nag-ambag naman si Eric Bledsoe ng 25 points para maiangat ang koponan.

Samantala, nanguna naman para sa Thunder si Dennis Schroder na may 25 points.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *