BOC
National

“Military takeover” sa BOC, pinalagan ng oposisyon

TUTOL ang oposisyon sa Kamara sa military takeover sa operasyon ng Bureau of Customs (BOC).

Kinuwestyon ni Bayan Muna Party List Rep. Carlos Isagani Zarate ang basehan ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay sa isailalim sa pamamahala ng militar ang BOC.

Iginiit ni Zarate na sa ilalim ng 1987 constitution ay maaari lamang gamitin ng presidente ang call out powers nito sa military.

Kapag mayroong lawless violence, rebellion at invasion sa bansa.

Ayon naman kay ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio, unconstitutional at iligal ang utos ni Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Tinio, hindi maaaring basta i-take over ng militar ang BOC dahil isa itong civilian bureaucracy.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *