Miley Cyrus
Showbiz

Miley Cyrus at Liam Hemsworth, opisyal nang naghiwalay

OPISYAL nang nahiwalay ang Hollywood power couple na sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth matapos ang kanilang walong buwang pagsasama bilang mag-asawa.

Ayon sa representative ng “The Climb” singer na napagdesisyunan nila Cyrus at Hemsworth na maghiwalay upang makapag-focus muna sila sa kani-kanilang sarili at career.

Matatandaan na dumaan sa “on-and-off-again” relationship ang dalawa bago tuluyang nagpakasal noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng personal na pahayag ang singer at ang aktor at ipinahatid na lamang sa kanilang representative na respetuhin na lamang ng publiko ang kanilang desisyon at privacy.

Nagsimula ang relasyon nila Miley at Liam nang bumida ang parehong entertainers sa isang romantic drama film na “The Last Song” noong 2010.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *