Michael Williams, natagpuang wala nang buhay sa kanyang apartment

Michael Williams, natagpuang wala nang buhay sa kanyang apartment

NATAGPUANG wala nang buhay sa kanyang apartment sa Brooklyn, New York ang Hollywood actor na si Michael Williams.

Ayon sa New York Police Department (NYPD), na nakatanggap sila ng emergency call na may lalaki na wala ng buhay sa loob ng isang apartment at dito nakita ang aktor kung saan nakita rin ang drug paraphernalia malapit sa katawan ni Michael Williams.

Gayunpaman wala pang ulat kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng aktor.

Nakilala ang 54-year old actor sa kanyang karakter bilang ‘Omar Little’ sa Hit 2002 TV series na ‘The Wire’.

Bukod sa ‘The Wire’, nakilala rin si Williams sa HBO Telefilm Biopic na ‘Bessie’ at TV series na ‘Boardwalk Empire’ at ‘Lovecraft Country’ kung saan nakatanggap siya ng nomination mula sa Emmy Awards.

Lumabas din si Williams sa mga pelikulang The Road, Assassin’s Creed, Ghostbusters, Superfly at Robo Cop.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *