Miami Heat, pasok na sa NBA Finals matapos talunin ang Boston Celtics

Miami Heat, pasok na sa NBA Finals matapos talunin ang Boston Celtics

MULING nakapasok sa NBA Finals ang koponan ng Miami Heat makalipas ang limang taon.

Ito ay matapos na tuluyang payukuin ng Miami ang katunggaling Boston Celtics sa kanilang Game 6 sa Eastern Conference Finals sa iskor na 125-113.

Nanguna para sa panalo ng Heat si Bam Adebayo na may 32 points, 14 rebounds at 5 assists habang nag-ambag rin si Jimmy Butler ng 22 points.

Hindi naman sumapat ang 26 points ni Jaylem Brown at 24 points ni Jayson Tatum upang pwersahin ang Miami sa do-or-die game.

Samantala, makakaharap naman ng Miami ang Los Angeles Lakers sa NBA Finals.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *