Mga walang trabaho o negosyo sa bansa noong Hulyo, naitala sa 3.07-M

Mga walang trabaho o negosyo sa bansa noong Hulyo, naitala sa 3.07-M

NASA 3.07 milyon ang naitalang unemployed persons o bilang ng nasa labor force na walang trabaho o negosyo sa buwan ng Hulyo 2021.

Ito ay mas mababa sa 4.14 million noong Abril 2021 at higit na mas mababa kumpara noong Hulyo 2020 na nasa 4.57 million.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), ang unemployment rate ay naitala sa 6.9 %, o 69 sa bawat 1,000 na indibidwal na nasa labor force ang walang trabaho o negosyo noong Hulyo.

Sinabi ng PSA na higit na mas mababa ito kumpara sa naitalang 10% na unemployment rate noong Hulyo 2020.

Batay sa PSA, sa populasyon ng 15 taong gulang pataas, ang bilang ng nasa labor force o mga indibidwal na employed o unemployed ay naitala sa 44.74 million nitong Hulyo 2021, mas mababa sa bilang noong Abril 2021 na nasa 47.41 million at Hulyo 2020 na nasa 45.87 million.

Samantala, naitala sa 41.67 milyon ang employed persons o bilang ng may trabaho o negosyo noong Hulyo.

Ito ay mas mababa ng 1.60 million kaysa sa naitala noong Abril 2021 na nasa 43.27 million, ngunit mas mataas naman kumpara sa bilang noong Hulyo 2020 na nasa 41.30 million.

BASAHIN: Trabaho at negosyo ng mga Pilipino, muling bubuhayin sa National Employment Recovery Strategy

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *