Mga turista, dapat maging responsable ayon sa DOT

Mga turista, dapat maging responsable ayon sa DOT

NAG-PAALALA ngayon ang Department of Tourism na maging responsible ang mga turista bilang pag-iingat laban sa virus.

Sa muling pagluluwag ng restriksyon matapos na magkaroon ng pagbaba sa bilang ng kaso ng COVID-19

Ayon kay Department of Tourism assistant Secretary Woodrow Maquiling Jr., dapat maging maingat ang mga Pilipino kahit na nasa sariling bayan lamang.

Aniya, dapat ding patuloy na sundin ang mga health protocol lalong- lalo na sa mga turista,upang hindi na muling bumalik sa peak ng COVID-19 infections ang bansa.

Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOT sa mga lokal na pamahalaan upang tiyakin ang pagsunod ng mga establisyemento sa mga ipinatutupad na health protocols.

Dagdag pa ni Maquiling, ire-revoke ng gobyerno ang accreditation ng isang establisyemento na lalabag sa mga protocol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *