Mga tauhan ng PNP, makikibahagi sa symbolic vaccination ngayong araw

Mga tauhan ng PNP, makikibahagi sa symbolic vaccination ngayong araw

SASAILALIM ngayong araw ang 700 Philippine National Police (PNP) personnel sa symbolic vaccination ang Philippine National Police matapos dumating ang Sinovac Coronavac vaccines ng China.

Isasagawa ang symbolic vaccination sa mga kawani ng PNP sa PNP General Hospital.

Batay sa panuntunan ng Department of Health (DOH), dadaan muna ang isang pasyente sa waiting area, sunod ang registration area, counseling, medical screening, upang matiyak na walang iniindang anumang karamdaman bago nito sumailalim sa bakuna, encoding at post-vaccination area

Narito ang opisyal na procedure mula sa DOH:

  1. Waiting Area
  2. Registration Area
  3. Counseling
  4. Medical Screening
  5. Vaccination
  6. Encoding
  7. Post-Vaccination Area

Ang aktibidad ay pangungunahan nina PNP Chief Police General Debold Sinas, DILG Usec. Bernardo Florece, QC Mayor Joy Belmonte at DOH Dir. Aleli Annie Grace Sudiacal.

Nauna nang nagpasalamat ang pamunuan ng PNP sa pamahalaan matapos itong mabigyan ng libreng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Administrative Support for COVID-19 Task Force o ASCOFT Chief  Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, nasa sampung libong miyembro ang una nilang isinumiteng listahan na pababakunahan ng ahensiya pero tanging 700 lang ang inaprubahan ng pamahalaan.

Nauna na ring nilinaw ng opisyal na hindi sapilitan ang pagpapabakuna sa PNP pero kasabay nito ang paghikayat na makibahagi sa programa ng pamahalaan upang tulungang manumbalik sa normal ang pamumuhay ng tao.

Matatandaang kahapon ay opisyal nang dumating sa bansa ang nasa 600,000 doses ng Sinovac lulan ng Chinese military plane.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagsalubong ng shipment ng bakuna.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *