Mga tauhan ng Air Asia na natanggal dahil sa COVID-19, ibabalik

Mga tauhan ng Air Asia na natanggal dahil sa COVID-19, ibabalik

KINUMPIRMA ng Air Asia Philippines na prayoridad na ibabalik na ang nasa kabuuang 427 na kanilang mga tauhan na natanggal sa trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito’y kasunod na rin ng pagdagdag ng domestic destination ng naturang air carrier dahil na rin sa pagluwag ng travel restrictions.

Ire-reactivate na nila ang kanilang mga flight at ground crew na naapektuhan ng pandemya.

Ayon din kay Capt. Steve Dailisan, spokesperson ng Air Asia, fifteen percent o nasa mga 80 na cabin crew, piloto at ilang ground staff ang magsisimula na ulit sa kanilang training ngayong Disyembre.

Matatandaan nauna nang sinabi ng Air Carriers Association of the Philippines na 1 sa bawat 3 empleyado ng mga local carrier ang nawala, nag-resign o nag-retire dahil sa pandemya.

Karamihan naman ay tumanggap ng suweldo pero hindi muna pinabiyahe.

Dodoblehin na ng Air Asia ang mga biyahe sa ibang destinasyon gaya ng Caticlan at may plano ring simulan ulit ang international flights pa-Singapore.

Bukod pa dito inaasahan na rin ang pagdagdag ng mga pasahero na magbibiyahe sa mga probinsya at leisure travel dahil karamihan na lang sa nirerequire ng LGUs na travel requirements ay ang mga vaccination card.

BASAHIN: Air Asia, hindi na kailangan ang COVID-19 test sa fully vaccinated

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *