Mga tao sa Room 2207 na binalik-balikan ni Christine Dacera, natukoy na

Mga tao sa Room 2207 na binalik-balikan ni Christine Dacera, natukoy na

KILALA na o tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga personalidad na naka-check in o nasa loob ng Room 2207 ng hotel, na laging binabalik-balikan ng flight attendant na si Christine Dacera, ilang oras bago ito namatay.

Gayunman, ay tumanggi muna ang NBI na pangalanan ang mga ito pero maikokonsidera na aniyang mga persons of interest ang mga ito.

Sinabi ni NBI Spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin na sa ngayon ay patuloy nilang sinisikap na makipag-ugnayan sa mga naturang persons of interest at hinihimok na makipagtulungan sa isinasagawa nilang imbestigasyon.

Ipinaliwanag ni Lavin na kung nais ng mga indibidwal na ito na linisin ang kanilang pangalan na idinadawit sa pagkamatay ni Dacera ay mas mainam na lumantad na at magbigay na ng kanilang salasay kaugnay sa insidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *