nagkasagupaan
International

Mga tagasuporta ni dating Bolivian President Morales at mga pulis, nagkasagupaan sa Bolivia

MULING nagkasagupaan noong miyerkules ang mga pulis at mga tagasuporta ni dating Bolivian Pres. Evo Morales sa Capital City ng La Paz matapos lamang ideklara ni senator Jeanine Anez ang kanyang sarili bilang Interim Leader ng Bolivia.

Inendorso ng constitutional court ng Bolivia ang pagkakatalaga ni Anez bilang Interim Leader noong martes matapos mapilitang magbitiw sa pwesto si Morales at sumailalim sa Political Asylum sa Mexico sa pangambang nanganganib ang kanyang buhay.

Maaalalang napilitang magbitiw sa pwesto si Morales noong linggo dahil sa alegasyon ng electoral fraud sa naganap na re-election noong Oktubre at matapos lamang ang tatlong linggo ng malawakang kilos-protesta sa bansa.

Nangako naman si Anez na magsasagawa ng eleksyon sa lalong madaling panahon habang tiniyak ng mga kaalyadong mambabatas ni Morales na kukwestyunin nito ang legitimacy ng pagkakatalaga ng opposition senator bilang Interim President

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *