Mga taga-Pasig City
Metro

Mga taga-Pasig City, walang pasok bukas, Hulyo 2

IDINEKLARA ng Malakanyang na walang pasok bukas ang mga taga-Pasig City bilang pagkilala sa ika-446 anibersaryo ng lungsod.

Ito ay matapos ilabas ang Proclamation 758 na nagdedeklara sa araw na July 2, 2019 bilang special non-working holiday.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang deklarasyon ng special non-working holiday upang mabigyan ng pagkakataon ang mga taga-Pasig na makilahok sa ano mang gagawing aktibidad o selebrasyon sa lungsod.

Samantala, alinsunod sa compensation guidelines ng Department of Labor and Employment, sino mang regular employee na papasok bukas sa trabaho ay mabibigyan ng 30% na dagdag sa kanyang daily wage.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *