Mga sundalo, muling tumungo sa Ayungin Shoal para maghatid ng suplay sa mga tropa

DUMATING na ngayon sa Ayungin Shoal ang grupo ng mga sundalo na maghahatid ng suplay sa mga tropa ng militar na nakadestino sa BRP Sierra Madre para magbantay sa Ayungin Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea sa Palawan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakipag-usap sa kaniya si  Chinese Ambassador (Huang Xilian) na hindi na haharangin ang barko ng Pilipinas patungo sa misyon nito kasabay ng kondisyon na wala dapat na escort ang grupo ng mga sundalo na magtutungo sa Ayungin Shoal.

“The resupply ships left this morning from Oyster Bay in Palawan and will reach (BRP) Sierra Madre tomorrow (Tuesday morning). The Chinese Ambassador (Huang Xilian) assured me they will not be impeded. Pero pakiusap nila, walang escort (they only requested that the boats will not be escorted),” pahayag ni Lorenzana.

Sa kabilang banda tiniyak din naman ng Defense Department ng bansa na nakamonitor ang Philippine Navy plane habang nasa lugar na ang barko ng Pilipinas sa Ayungin.

“Yes, they are. (A Philippine) Navy plane will be in the vicinity when the resupply ships are in Ayungin,” ani Lorenzana.

Oras na maulit ang insidente ng pangha-harrass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa lugar, nakahanda naman ng plano ang militar anumang oras.

Matatandaang, inatake ng water canon ang dalawang barko ng Pilipinas nitong linggo sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea na patungo sana sa mga kasamahan nito para maghatid ng pagkain at iba pang gamit habang nagbabantay ang mga ito sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa kabutihang palad wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

SMNI NEWS